Laoag City, Ilocos Norte – Pormal na inilunsad ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) bilang isa sa mga programa ng DILG para wakasan at labanan ang ilegal na droga na ginanap sa Grandstand ng Ilocos Norte PPO nito lamang Nobyembre 26, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Julius Suriben, Provincial Director ng INPPO kasama ang Department of Interior and Local Government-Ilocos Norte, Bureau of Fire Protection-Ilocos Norte, Force Multipliers Riders ng INPPO, Barangay Official ng Brgy. San Matias Laoag City, at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Isinagawa ang panunumpa ng Pledge of Commitment na pinangasiwaan ni Hon. Giancarlo Angelo S Crisostomo, Sangguniang Panlalawigan Member bilang pagsuporta sa naturang programa ng DILG. Gayundin, ang Zumba dance bilang isa sa tampok ng nasabing programa.
Ang nasabing programa ay naglalayong pag-ibayuhin ang pagsugpo sa ilegal na droga at magkaroon ng magandang kinabukasan lalo na ang mga kabataan.
Ang proyektong ito ay nakaangkla sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin, Jr na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Ito rin ay inisyatibong proyekto ni Sec. Benjamin C. Abalos, Jr. sa kanyang mga programa bilang Secretary ng DILG na matulungan ang mga kabataan na malayo sa ilegal na droga at mas mapabuti ang buhay ng ating mga kabataan.
Source: Ilocos Norte PPO
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio