Camiguin – Muling nagsagawa ang Camiguin PNP ng Provincial Simultaneous Coastal Clean-up Drive sa Boloc-Boloc, Poblacion, Mambajao, Camiguin nito lamang Marso 16, 2023.
Ang aktibidad ay nilahukan ng 24 na mga tauhan ng Camiguin PNP sa pangunguna ni Police Major Guillermo Hamot, Chief, PCADU ng Camiguin Police Provincial Office kasama ang mga Eco Warriors Volunteer sa pamumuno ni Mr. Richard Marecle.
Sa nasabing aktibidad ay may 38 kilo na recyclable items at 105 kilo na basura ang kabuuang nakolekta.
Layunin ng aktibidad na katuwang ang komunidad na mapanatiling malinis ang yamang dagat at bigyan ng kamalayan ang mamamayan sa pag-aalaga sa inang kalikasan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10