General Santos City – Nagsagawa ng Simultaneous Bougainvillea Planting ang mga tauhan ng General Santos City Police Office sa Camp Fermin G Lira Jr, General Santos City nitong Miyerkules, ika-14 ng Setyembre 2022.
Matagumpay na naisagawa ang pagtatanim ng Bougainvillea sa pangunguna ni Police Colonel Paul T Bometivo, Acting City Director at sa aktibong partisipasyon ng mga Criminology Intern ng Golden State College na boluntaryong nakiisa sa nasabing aktibidad.
Ang Project BOMBILS ay inilunsad ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director PRO 12 na nangangahulugang Beautiful service, Optimistic on the Management of Barrier in Integrating the Law in the Society.
Ang halamang bougainvillea ay minsang ginagamit bilang perimeter fence na pumipigil sa mga nagbabalak na pumasok sa isang ari-arian dahil sa matitinik na ornamental vines at kasabay nito ay gumagawa ito ng iba’t ibang kulay ng mga bulaklak na maaari ding gamitin para sa pagpapaganda ng kapaligiran.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia