Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City – Dinaluhan sa unang pagkakataon mula ng itinalaga ang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Atty. Benjamin “Benhur” C. Abalos ang Flag Raising Ceremony bilang panauhing pandangal kung saan binigyan siya ng pagpupugay sa isang Trooping the Line ng Philippine National Police (PNP) kasama si PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente D. Danao, Jr. nito lamang Lunes, ika-11 ng Hulyo 2022 sa PNP National Headquarters, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City.
Pinarangalan sa naturang programa ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Malate Police Station (PS-9), Manila Police District dahil sa matagumpay na joint buy-bust operation kasama ang Police Drug Enforcement Agency Regional Office NCR sa CCP Bay Terminal Parking Lot sa Brgy. 720, Malate, Manila na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang Chinese-nationals na kinilalang sina Bin Hua at Jiankang Liang, at pagkasamsam sa 15 kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 102,000,000.
Iginawad sa mga sumusunod na operatiba sa nasabing operasyon ang Medalya ng Kadakilaan dahil sa katangitanging kontribusyon sa organisasyon: Police Lieutenant Colonel Salvador B. Tangdol, Police Lieutenant Josephus M. Melpaz, Police Master Sergeant Ace Gregory Catalan, Police Corporal Delfin S. Eslao, PCpl Vincent G. Sulima at PCpl Miguel T. Tayabas.
Samantala, tumanggap naman ng ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Letter of Attestation mula sa Worldwide Quality Assurance Philippines, Inc. ang iba’t ibang opisina ng PNP na pumasa sa isinagawang Initial Stage 2 Audit ng naturang international certification providing body noong Hunyo 22, 2022.
Ginawad ang ISO 9001:2015 QMS Letter of Attestation sa Office of the Chief Directorial Staff (OTCDS), Internal Affairs Service (IAS), Directorate for Intelligence (DI), Legal Service (LS), Finance Service (FS), Information Technology Management Service (ITMS), at sa tanggapan ng PNP Training Service (TS).
Sa ibinigay namang talumpati ni SILG, tinalakay niya ang mga iba’t ibang usapin sa Pambansang Pulisya na gusto niyang bigyan ng sapat na atensyon tulad ng mas epektibong pagsasagawa ng drug-related operations na ayon sa kanya ay mas mahalaga ang kalidad ng operasayon kaysa sa dami ng mga ito.
Dagdag din niya ang tumataas na insidente ng cybercrime lalo na ang cyberpornography, at kahalagahan ng aktibong papel na ginagampanan ng komunidad tungo sa isang mapayapa, ligtas at progresibong bansa.
Pinaabot rin niya ang buong pagsuporta sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas lalo na sa mga kapulisan na nagtatrabaho bilang mga operatiba na kadalasang nasasangkot sa mga legal na problema dulot ng mga lehitimong operasyon.
###
Panulat ni Patrolman Noel Lopez