Nagsagawa ng “Share a Light” Project ang mga tauhan ng Tawi-Tawi Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Zharulnizam Atara at sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Christian Joy Alqueza sa Sitio Motorpool, Brgy. Tubig Boh, Bongao, Tawi-Tawi nito lamang ika-23 ng Nobyembre 2023.

Ang naturang programa ay bilang parte ng TTPMFCCARES (Capacity-building, Assistance, Responses towards improved Enforcement and Public Service) kaugnay ng programang “Kapwa Ko, Sagot Ko” at “Adopt a Family” ng Philippine National Police.

Layunin ng programang ito na magbigay ng sustainable at eco-friendly na solusyon sa isang pamilyang walang kumbensyonal na pinagmumulan ng ilaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng solar lights.
Ito din ay isang paraan upang mas lalo pang mapagtibay ang relasyon ng PNP at komunindad tungo sa isang maayos at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz