South Cotabato – Sa kulungan ang bagsak ng 24-ayos na lalaki matapos tangkaing ilusot papasok ang hinihinalang shabu na nilagay sa loob ng nail polish bottles sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) sa Purok Matulungin, Brgy. General Paulino Santos, Koronadal City, South Cotabato nito lamang ika-18 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Amor Mio Somine, Hepe ng Koronadal City Police Station, ang suspek na si alias “Tonton”, 24, driver, at residente ng Brgy. Morales, Koronadal City, South Cotabato.
Bandang 3:00 ng hapon nang naharang ng mga tauhan ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center ang suspek na may dala-dalang eco bag na naglalaman ng siyam na piraso na nail polish bottles at nang inpeksyonin, napag-alaman na ang bawat bote ay naglalaman ng hinihinalang shabu na may 10 gramo ang bigat na may tinatayang halaga na Php70,000 at isang eco bag.
Sa pakikipagtulungan sa Koronadal City Police Station City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), SCPPO-PPDEU at Regional Intelligence Division – 12 ay nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang South Cotabato PNP ay mananatiling alerto upang mapuksa ang mga taong sangkot sa ilegal na droga.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12