Nakumpiska ng mga otoridad ang shabu at baril sa ikinasang search warrant operation sa Barangay Del Carmen, President Roxas, Cotabato nito lamang umaga ng Nobyembre 12, 2024.
Kinilala ni Police Major Jose Ryan Banguis Feranil, Hepe ng President Roxas Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Don-Don”, 19 taong gulang at residente ng Purok 4, Barangay Del Carmen, President Roxas, Cotabato.
Sa ulat ni PMaj Feranil, bandang 3:35 ng madaling araw nang sinalakay ng awtoridad ang tahanan ng target ng operasyon at nasamsam ang tatlong transparent heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at isang yunit ng homemade na baril.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang āComprehensive Firearms and Ammunition Regulation Actā ang suspek.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang ibaāt ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Dodoso for PSB po ma’am/sir