Bataraza, Palawan – Nagsagawa ng Serbisyong Pulis sa Barangay Program ang mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Inogbong, Bataraza, Palawan noong ika-15 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 1st Palawan PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Eldie Bantal, Force Commander katuwang ang Local Government Unit ng Bataraza.
Namahagi ang grupo ng libreng gamot, libreng gupit, at nagsagawa ng libreng tuli sa mga residente sa nasabing barangay at lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga ito.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at ito rin ay bilang pagdiriwang ng National Children’s Month, na may temang “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan”.
Patuloy na isinasagawa ng PNP ang mga ganitong programa na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.
Source: 1st Palawan Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus