Muling ipinamalas ang isang makabuluhang programang pangkalusugan para sa mga mag-aaral ng Philippine National Police – Child Development Center (PNP-CDC) noong ika-10 ng Marso 2026 sa Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga miyembro ng Child Development Service Provider (CDSP) ng PCADG CADD sa pamumuno ni PCpt Romel T. Sumalinog, CDSP Supervisor, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Luis E. Guisic, Chief ng Community Assistance and Development Division (CADD), at sa pamumuno ni PBGen Vina H. Guzman, Director ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG).
Nakiisa rin sa naturang gawain ang mga guro mula sa lokal na pamahalaan at ang mga City Health Workers na pinangunahan ni Dr. Jan M. Fullese ng Cubao Health Center upang magsagawa ng height at weight measurement ng mga mag-aaral.

Layunin ng aktibidad na masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan at nutrisyon ng mga bata upang matiyak ang kanilang maayos na paglaki at pag-unlad. Mahalaga ang regular na pagsusuri sa tangkad at timbang ng mga mag-aaral upang matukoy kung naaayon ang kanilang pisikal na pag-unlad sa kanilang edad.
Bukod sa naturang pagsusuri, nagsagawa rin ng fluoride application para sa mga mag-aaral upang mapanatili ang kalusugan ng kanilang mga ngipin. Layunin nitong maiwasan ang tooth decay at mapalakas ang dental health ng mga bata sa murang edad, bilang bahagi ng pangkalahatang pangangalaga sa kanilang kalusugan.
Ipinapakita ng aktibidad na ito ang matibay na pagtutulungan ng PNP, mga health workers, at mga guro sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga kabataan. Patunay rin ito sa patuloy na pagsisikap ng PNP-CDC na makapagbigay ng ligtas, malusog, at suportadong kapaligiran para sa mga mag-aaral tungo sa paghubog ng kanilang magandang kinabukasan.
Source: PNP-Child Development Center FB Page



