Camp Crame, Quezon City – Nagsagawa ng Quarterly Community Service ang Fraternal Order of Eagles – NCR XXXVI Camp Crame Region para sa mga miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na pinangunahan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) nito lamang araw ng Biyernes, ika-2 ng Disyembre 2022, na ginanap sa Bulwagang Lapu-Lapu, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Governor ng Camp Crame Eagles Region – NCR XXXVI na si G. Gerardo S. Libot kasama ang Acting Director ng PCADG na si Police Colonel Lou F. Evangelista; at Dr. Fe Jocelyn Merced MD, FPAMS, Medical Director ng MeDia Doctors (Media Doctors into Acupuncture) na nanguna sa pagbibigay ng libreng Medical Acupuncture at eye checkup for visual check at visual acuity.
Dinaluhan ng higit kumulang 181 PNP personnel ang naturang community service na nagsagawa ng mga serbisyong medikal mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Ang isinagawang Quarterly Community Service ay bahagi ng Club Chartering and Region Installation Anniversary ng Camp Crame Eagles noong taong 1979.
Nakikiisa at suportado ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang bawat accredited non-government organizations na kinabibilangan ng Eagles sa kanilang adbokasiya upang maghatid ng serbisyo sa ating mga mamamayan sa bawat pamayanan ng isang maaasahan at masasandalang pagseserbisyo sa bayan.
Panulat ni Pat Noel S. Lopez