Tarlac – Tuloy-tuloy na umaarangkada ang “Serbisyong Kapulisan, Tulong sa may Kapansanan” Impact Project ng Capas PNP sa Brgy. Talaga, Capas, Tarlac nito lamang Martes, ika-16 ng Mayo 2023.
Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rainier Mercado, Chief of Police ng Capas Municipal Police Station.
Nagbigay ang Capas PNP ng isang sakong bigas, itlog at grocery packs para sa napiling isang nanay na may kapansanan.
Samantala, sa pamamagitan ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) ipinagpanalangin ni Pastor Jessie Valencia, Faith-Based Volunteer ang kalusugan at mabilisang paggaling ni Nanay sa kanyang nararamdaman.
Patuloy na makikipag-ugnayan ang Capas PNP upang mas mapagtibay ang magandang relasyon sa kanilang nasasakupan.
Source: Capas Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3