Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalan ng Iligan City sa programang “Serbisyong Iliganon Caravan” na nilahukan ng mga tauhan ng Iligan City PNP na ginanap sa Upper Tominobo, Iligan City nito lamang Enero 30, 2024.
Ang programa ay masayang nilahukan ng mga miyembro ng Iligan City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Joel Cervantes, Chief ng City Community Affairs and Development Unit sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Reinante Delos Santos, City Director.

Aktibo ding nilahukan ang City Health Office, PSA, 2nd Mechanized Brigade, 4th Mechanized Infantry Battalion, Bureau of Fire Protection, DOLE, PhilHealth, TESDA, SSS, at mga stakeholders ng Lokal na Pamahalaan ng Iligan City na nagbigay ng serbisyo sa mga residente ng naturang barangay.

Ang programa ay nagkaroon ng libreng medikal at dental, libreng gupit, tuli, eye consultation, libreng gamot at libreng pagkuha ng National Police Clearance, libreng bigas, libreng tahi ng sapatos at lecture sa mga bata.

Layunin ng programa na iparamdam sa mga nasasakupang komunidad ang malasakit at pagpapahalaga ng PNP at iba pang sangay ng gobyerno upang maibsan ang kahirapan sa buhay at makamtan ang matiwasay, tahimik at ligtas na pamumuhay.