Baseco, Manila — Nagsagawa ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office ng isang community outreach program na pinangalanan nilang “Serbisyong Caravan” sa Baseco Compound, Port Area, Manila nito lamang Martes, Hunyo 28, 2022.
Ang naturang programa ay pinamunuhan ni Police Colonel Romy I Palgue, Chief, RCADD, National Intelligence Coordinating Agency (NICA-NCR) kasama ang Joint Task Force- NCR (JTF- NCR), Regional Medical and Dental Unit (RMDU), at Regional Public Information Office (RPIO).
Nilahukan din ito ng iba pang ahensya tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at ng LGU ng lungsod.
Nagkaroon ng livelihood service training at iba pang libreng serbisyo tulad ng medical consultation para sa 40 residente, dental check-up, monitoring ng blood pressure, stress management counselling, bakuna ng COVID-19, at iba pa.
Nakatanggap rin ng maiinit na pagkain at tubig ang 600 pa na residente sa lugar, at ang iba nama’y nabigyan ng 300 food packs mula sa DSWD.
Samantala, mga laruan naman ang naipamahagi ng Family Juvenile Gender and Development Section ng RCADD sa mga batang naroon.
Namigay din ng flyers patungkol sa Crime Prevention, Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism, ELCAC, at nagsagawa pa ng information drive hinggil sa iba’t ibang serbisyong makukuha sa mga nakilahok na ahensya ng gobyerno.
Ayon naman kay NCRPO Director PMGen Felipe Natividad, patuloy na maghahatid ng serbisyong publiko ang kanyang hanay sa Metro sa pamamagitan ng walang humpay na outreach program at mga oportunidad sa kabuhayan.
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos