Tanudan, Kalinga – Naihatid ng mga kapulisan sa ospital ang isang lalaking may iniindang sakit sa bukong-bukong sa pamamagitan ng “bulig” sa Tanudan, Kalinga, ngayong umaga, Marso 1, 2022.
Kinilala ni PCpt Manuel Sabado, Acting Chief of Police, Tanudan Municipal Police Station, ang pasyente na si Ginoong Jesmon C. Paligan, 17, ng Sitio Bail Poblacion, Tanudan, Kalinga.
Ayon kay PCpt Sabado, bandang 8:00 ng umaga, si Paligan ay agad dinala ng mga tauhan ng Tanudan MPS sa Tanudan Municipal Hospital gamit ang “bulig” dahil sa pamimilipit ng kanyang bukong-bukong.
Ayon pa kay PCpt Sabado, ang “bulig” ay isang indigenous practice ng Tanudan MPS sa paghahatid ng isang may sakit o sugatan mula sa malalayong lugar gamit ang mga improvised na materyales gaya ng kawayan at kumot para buhatin ang taong may karamdaman at madala sa pagamutan.
Dagdag pa niya, ang “bulig” ay kalimitan na ginagawa sa malalayong lugar ng Kalinga na hindi kayang abutin ng mga sasakyan.
“Kami sa Tanudan MPS ay patuloy na maghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan na aming nasasakupan ng walang pinipiling sitwasyon at panahon”, saad ni PCpt Sabado.
Source: PNP Tanudan MPS
https://www.facebook.com/100008982827738/posts/2828236840819049/
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes
May puso at malasakit yan ang mga pulis laging handang tumulong salamat s serbisyo