Cebu – Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-29th National Crime Prevention Week, isang serbisyo caravan ang inilunsad ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Police Regional Office (PRO) 7 sa Mandaue City Sports Complex, Andres Soriano Ave., Mandaue City, Cebu, nitong Miyekules, Setyembre 6, 2023.
Kabilang sa mga handog na serbisyo sa programa ang libreng legal at medical consultation, gupit, at pagproseso ng National ID at Police Clearance.
Maliban pa rito ay nagkaroon din ng talakayan ukol sa Drug Awareness, Prevention and Safety Tips on Crimes, Fire at ng ilan pang mga batas na kumakalinga sa karapatan ng bawat indibidwal.
Dagdag dito, sa ika-29th National Crime Prevention Culminating Ceremony, pinarangalan ang mga miyembro at grupo sa mga law enforcement agency sa rehiyon para sa mga katangi-tanging programa at pambihirang pagganap ng kanilang tungkulin.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan nina Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7, Atty. Risty N Sibay, Acting Regional Director NAPOLCOM, at ng panauhing pandangal at tagapagsalita ng programa na si Hon. Nelson Y Yuvallos, Chairman RAGPTD 7.
Samantala, sa mensahe na inihayag ni Hon. Yuvallos ay binigyang diin nito ang kahalagahan ng kaalaman ng bawat ahensya ng pamahalaan at ng komunidad sa kanilang tungkulin para sa kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran ng pamayanan.
Sa pagtatapos ng programa, binigyan ng food packs ang nasa halos 300 residente na naging bahagi ng aktibidad.
Dumalo din sa programa ang mga miyembro ng PRO 7 Command Group and Staff, Chief National Support Units, mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Fire and Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Army, Department of Agriculture, stakeholders, at Advocacy Support Groups.