Ilocos Norte – Arestado ng Pinili PNP ang isang senior citizen na wanted sa kasong Attempted Homicide sa Brgy. Salanap, Pinili, Ilocos Norte nito lamang Linggo, ika-3 ng OKtubre 2023.
Kinilala ni Police Captain Kester Arellano, Hepe ng Pinili Municipal Police Station, ang suspek na si Eden, 62, may asawa, magsasaka at residente Brgy. Salanap, Pinili, Ilocos Norte.
Ayon kay PCapt Arellano, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Pinili Municipal Police Station sa kasong Attempted Homicide na walang nirekomendang piyansa.
Patuloy ang Pinili PNP sa mandato nitong panatilihing ligtas ang mamamayan sa kanilang nasasakupan.
Source: Pinili MPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero