Monday, March 31, 2025

Senior Citizen, arestado sa iligal na paggawa ng baril sa Danao City

Himas rehas ngayon ang isang senior citizen matapos mahuli sa aktong gumagawa ng iligal na baril sa isang open hut sa Purok Fatima, Sitio Portland, Barangay Cahumayan, Danao City, Cebu, nito lamang Marso 26, 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Henrix P Bancoleta, Officer-In-Charge ng Danao City Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Agapito”, 63-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PLtCol Bancoleta, bandang 12:45 ng madaling araw ng makatanggap ng impormasyon ang kanilang tanggapan kaugnay sa isang iligal na aktibidad ng paggawa ng baril.

Agad na ikinasa naman ng mga operatiba ng Danao CPS, kasama ang SWAT personnel, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang dalawang (2) unit ng .45 caliber pistol, apat (4) na unit ng lower receiver, limang (5) piraso ng pattern, tatlong (3) magasin, dalawang (2) L-square, vice crip, dalawang (2) steel hammer, tatlong (3) bench vice, 12 steel file, tatlong (3) hacksaw, adjustable wrench, bench drill press at pliers na siyang ginamit sa kanyang paggawa ng baril.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Patuloy naman na pinaigting ang kampanya ng mga awtoridad laban sa paggawa at pagkalat ng iligal na baril upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles