Nagsagawa ng Send-Off Ceremony ang mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Office kasama ang Force Multipliers para sa deployment ng Undas 2024 na ginanap sa Barangay 40, Cagayan de Oro City Headquarters sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-30 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni Police Colonel Salvador N Radam, City Director, Police Lieutenant Colonel Ernesto Niebito M Daing, DCDO, kasama si Police Lieutenant Colonel Nerfe D Valmoria, Chief, COU at si Bishop Pio Butch Piquero at iba pang Advocacy Support Groups at Force Multipliers.
Ito ay ginanap bilang paghahanda sa darating na Undas 2024 na kung saan ang ating kapulisan, advocacy support groups at force multipliers ay made-deploy sa iba’t ibang parte ng Cagayan de Oro City.
Ang kahandaan at pagsisikap ng PNP ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa darating na undas at nagsilbing patunay ng matibay na pangako sa paglilingkod sa bayan kasama ang iba pang puwersang pang-seguridad.