Naging matagumpay ang isinagawang Send-Off Ceremony ng mga Augmented Personnel mula sa Police Regional Office 3, Police Regional Office 13, at PNP Maritime Group para tumulong sa seguridad ng Halalan 2025 na ginanap sa Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang Miyerkules, ika-30 ng Abril 2025.
Mainit na sinalubong ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, na nagpahayag ng pasasalamat sa kanilang presensya at kahandaang maglingkod.
Ang mga pulis na ito ay magsisilbing miyembro ng Special Electoral Board sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Bawat isa ay sumailalim sa masusing pagsasanay bilang paghahanda sa mahalagang tungkulin na tiyaking mapayapa, ligtas at malinis ang proseso ng halalan sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Layunin ng naturang deployment na palakasin ang mga operasyon sa seguridad at tiyakin na ang mga botante ay makakaboto nang mapayapa at walang pananakot.
Mananatiling tapat ang mga kapulisan sa misyon nitong pangalagaan ang mga balota at mas pinaigting na presensya para sa mabilis na tugon sa anumang insidente hanggang matapos ang eleksyon.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui