Maguindanao del Norte – Isinagawa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang Send-Off Ceremony ng PNP Special Action Force na ginanap sa Grandstand, Camp Brigadier General Salipada Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-15 ng Enero 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng butihing Regional Director ng PRO BAR na si Police Brigadier General Allan Nobleza. Ito ay dinaluhan din ng mga lokal na punong-bayan, pati na rin ang PRO BAR Command Group, Regional Staffs, at mga Chiefs ng National Administrative Support Units/National Operational Support Units.

Kabilang sa mga ito ang PNP Special Action Force na binubuo ng 41st, 43rd, at 45th Special Action Companies na itatalaga sa mga bayan ng Lanao del Sur Province, partikular sa mga bayan ng Malabang, Masiu, at Maranao, kasama na ang Marawi City.
Panulat ni Patrolwoman Ma Señora Agbuya