Misamis Oriental – Nagsagawa ng sunod-sunod na operasyon ang Misamis Oriental PNP mula Abril 11-17, 2022 para sa ligtas at mapayapang paggunita ng Semana Santa.
Sa kabila ng ilang naitalang insidente, inihayag ni Police Colonel Raniel Valones, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office, na naging “generally peaceful and orderly” ang paggunita ng kuwaresma sa probinsiya.
Ayon pa kay PCol Valones, naitala ang 35 na iba’t ibang operasyon kasama rito ang tatlong pag-aresto sa most wanted persons, 16 na wanted persons, 34 na ilegal na sugal, 7 operasyon ng ilegal na droga, 3 sa search warrant at isang paglabag sa RA 10591.
Sa kabuuan, 64 katao ang nahuli at limang armas ang narekober habang 41,966 na deboto ng Divine Mercy Shrine sa El Salvador ang nahandugan ng serbisyo publiko.
Dagdag pa ni PCol Valones, na nasa 1,165 na miyembro ng Pambansang Pulisya ng Misamis Oriental ang nagsagawa ng checkpoint, police visibility, at police assistance sa mga pampublikong lugar, simbahan at pasyalan upang masigurado ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo / RPCADU 10