Arestado ang isang sekyu sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Tampakan PNP sa Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato kahapon bandang alas 6 ng umaga, Pebrero 15, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Boy”, 30 anyos, may asawa, sekyu at residente ng Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto ang suspek sa pagtutulungan ng Kiblawan Municipal Police Station, Regional Special Operation Group-12, 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 12, at ng Criminal Investigation and Detection Group.
Sa bisa ng search warrant ay naaresto ang suspek sa kasong pagpatay sa ilalim ng Article 428 (15) ng Revised Penal Code na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy naman ang Region 12 PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas alinsunod sa programa ng pamahalaan para ipagpatuloy ang serbisyong nagkakaisa sa pagsugpo ng mga krimen at makamtan ang isang tahimik at ligtas na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Emelou Pedroso