Tiniyak ng mga pulis Cordillera ang seguridad sa Panagbenga Grand Float Parade na ginanap sa Upper Session Road, Baguio City nito lamang ika-25 ng Pebrero 2024.

Dinaluhan mismo ng Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, Police Brigadier General David K Peredo, Jr. ang aktibidad hindi lamang upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga bisita, mga kalahok at ng mamamayan kundi pati na rin tingnan ang kapakanan ng mga pulis na nakatalaga sa seguridad ng Programa.

Sa gitna ng libu-libong katao na dumalo sa naturang pagdiriwang ay wala namang naitala na hindi maganda at hindi inaasahang mga pangyayari. Patunay na patuloy ang Pulis Cordillera sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng kanilang nasasakupan maging ng mga turista na bumibisita sa lungsod. Ito ay alinsunod na rin sa programa ng kasalukuyang administrasyon para sa pagpapaunlad at pagpapalakas sa industriya ng turismo sa bansa.
Panulat ni Pat Melanie Amoyong