Tiniyak ang katahimikan at kaayusan ng mga bumubuo ng Davao City Police Office ang mas pinaigting na pagtutok sa kaligtasan at proteksyon ng mga Dabawenyo sa pagdaraos ng mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng 2024 Pasko Fiesta sa Dabaw.
Sa ilalim ng pamumuno ni Acting City Director Police Colonel Hansel M Marantan, ang pinahusay na presensya ng mga pulis at maingat na pag-deploy ng mga tauhan sa mga pangunahing lugar ng pagtitipon ay nagresulta sa walang naitalang anumang malaking insidente ng krimen, terorismo at insurhensiya.
Ang mga pagsisikap na ito ay hindi lamang sinisiguro ng kaligtasan sa mga kaganapan ng Pasko Fiesta, kundi nagpapakita rin ng matibay na dedikasyon ng Davao City PNP sa pangangalaga sa kapakanan ng buong komunidad.
Ang mahusay na koordinasyon at maingat na pagpaplano ay nagsilbing batayan sa pagtiyak na ang mga Dabawenyo at mga bisita ay makakaranas ng isang masaya, mapayapa, at ligtas na selebrasyon ng 2024 Pasko Fiesta sa Dabaw.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino