Friday, November 15, 2024

Security Guard, sugatan sa pamamaril sa Midsayap, Cotabato

Midsayap, Cotabato – Sugatan ang isang security guard matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Emily T Llaban Rice mill sa Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rolly Casimiro Oranza, Hepe ng Midsayap Municipal Police Station, ang biktima na si Magalf Gagno, 42, residente ng Cotabato City.

Ayon kay PLtCol Oranza, bandang 3:00 ng hapon nangyari ang pamamaril habang naka-duty ang biktima at nakaupo sa guard post nang dumating ang suspek at agad nitong binaril sa kanang dibdib ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang calibre 38 pistol na may serial number 776726 na may kasamang apat na live rounds ng ammunition at isang basyo ng bala ng calibre 38 pistol na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pamamaril.

Ayon pa kay PLtCol Oranza, patuloy pa ring inaalam ng otoridad ang motibo sa likod ng pamamaril.

Samantala, hinihikayat ng Midsayap PNP ang publiko na makipagtulungan sa pulisya ang sino mang nakakaalam sa nangyaring pamamaril upang mabilis ang pagresolba ng kaso at mahuli ang suspek.

###

Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles