Sultan Kudarat – Arestado ang isang security guard sa isinagawang operasyon ng PNP sa kasong Statutory Rape sa Sultan Kudarat nito lamang Agosto 12, 2023.
Kinilala ni Police Major Ronalyn Domider, Hepe ng Bagumbayan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Wilzen”, 22, security guard at residente ng Brgy. Biwang, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ayon kay PMaj Domider, bandang 2:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Purok 2, Brgy. Biwang, Bagumbayan, Sultan Kudarat, sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Bagumbayan Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 12 Tracker Team Charlie-Delta at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Giit naman ni PMaj Domider na ang Bagumbayan MPS ay patuloy sa operasyon sa pag-aresto sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng karampatang hustisya ang mga taong nabiktima nito.
Pinapaalalahanan din ang publiko na makiisa sa mga programa ng kapulisan para sa isang tahimik at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin