Tuesday, November 5, 2024

Security Guard, nasakote sa ilegal na pagdadala ng baril sa Nueva Ecija

Nasakote ang isang security guard matapos mahulian ng baril sa isinagawang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Barangay Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija nito lamang Linggo, ika-3 ng Nobyembre 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Redrico A Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang suspek na si alyas “Mark”, security guard at residente ng Barangay Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon sa impormasyon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng 303rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 3, nang parahin ang motor na minamaneho ng suspek upang hanapan ng kaukulang papeles sapagkat wala itong plaka.

Habang nagtatanong ang mga pulis ay napansin ang isang baril na nakasukbit sa baywang ng suspek at agad din itong hinanapan ng mga dokumento ngunit wala din itong maipakita.

Nakuha mula sa suspek ang isang 8mm Kimar pistol, isang magazine assembly para sa nasabing baril at anim na caliber .25 cartridges.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” laban sa suspek.

“Walang humpay ang isinasagawang checkpoint operations para mas masiguro ang kaligtasan ng komunidad laban sa anumang uri ng krimen lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan at iba pang mga pagdiriwang,” saad ni RD Maranan.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles