Tacloban City – Arestado ang isang security guard sa isinagawang buy-bust operation ng Tacloban City PNP sa Brgy. 96 Lumbang 1, Calanipawan, Tacloban City noong Sabado, Hunyo 11, 2022.
Kinilala ni Police Captain Concas A Castello, Officer-in-Charge ng Tacloban City Police Station 1 ang naaresto na si alyas “Lanlan”, 39, Security Guard at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay PCpt Castello, bandang alas 6:20 ng gabi naaresto si alyas “Lanlan” alinsunod sa SACLEO ng pinagsanib pwersa ng Special Drug Enforcement Unit ng Tacloban City Police Station 1 at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 8.
Ayon pa kay PCpt Castello, nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (Subject of Sale) na binili mula sa suspek na nagkakahalaga ng Php500, tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (subject for possession), tatlong lighter, isang improvised na “tin foil tooter”, isang improvised bamboo clip, isang piraso na hindi pa matukoy na kalibre ng revolver, isang Php500 peso bill na may serial no. AD 901095 at isang blue back pack.
Ang mga nakumpiskang droga ay tumitimbang ng humigit-kumulang 1 gramo at may tinatayang street value na Php6,000.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5,11 at 12 Art. II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang Tacloban City PNP ay patuloy na nagsisikap upang mahuli ang mga ganitong uri ng tao para sa kaligtasan ng mga kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez