Cebu City – Maayos at naging mapayapa ang security coverage ng 3-Day Bar Examination sa Cebu City ayon sa Police Regional Office 7, nitong Linggo, Setyembre 24, 2023.
Sinabi ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng PRO7, ang paglulunsad ng Bar Examinations sa Cebu City ay naging maayos at mapayapa bunga ng pakikiisa at mahusay na serbisyo ng mga stakeholders para sa iisang adhikain.
Sa ngalan ng buong kapulisan ng rehiyon, malugod na ipinaabot ng Heneral ang kanilang pagbati sa lahat ng sumailalim sa pagsusulit at umaasa sa kanilang tagumpay.
Upang matiyak ang seguridad, hindi bababa sa 200 security personnel mula sa Cebu City Police Office ang ipinakalat sa dalawang testing locations.
Sa pagsusulit na ginanap sa University of San Jose Recoletos-Basak Campus at University of San Carlos School of Law, mayroong 1,448 aspiring lawyers ang matagumpay na kumuha ng bar examination na nagtapos noong Linggo.
SOURCE: PIO-PRO 7