Nagresulta sa engkwentro sa pagitan ng pulisya at tatlong suspek ang isinagawang search warrant operation ng mga tauhan ng Police Intelligence Unit, Batangas Police Provincial Office at Nasugbu Municipal Police Station sa Barangay Bunducan, Nasugbu, Batangas nito lamang Marso 31, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo C Domelod, hepe ng Nasugbu MPS, ang target sa naturang operasyon na sina “Engracio”, 55, “Darlito”, 33, parehong residente ng Barangay Bunducan at “Ryan,” 27, residente naman ng Barangay Balok-balok.
Ayon sa operating team, habang papalapit ang operatiba sa lugar, biglang nagpaputok ng baril si “Engracio,” na nagresulta sa isang engkuwentro kung saan siya ay nasugatan at agad na dinala sa Apacible Memorial District Hospital para sa karampatang lunas. Nahuli naman sina “Ryan” at “Darlito” na may mga ilegal na baril.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang ating kapulisan ay patuloy na nagsisikap upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad, alinsunod sa layunin ng gobyerno na mapanatili ang kaayusan at protektahan ang mga mamamayan laban sa anumang uri ng karahasan, ayon sa direksyon ng ating mahal na Pangulo tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Nasugbu MPS
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P. Bernales