Batangas City – Inilunsad ng Batangas Police Provincial Office ang 3-day Search and Rescue Refresher Training sa mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon sa Brgy. Ilijan, Batangas City na nagsimula ng Miyerkules, Hunyo 8, 2022 at nagtapos ng Biyernes, Hunyo 10, 2022.
Ang naturang aktibidad ay dahil na rin sa inisyatibo ni Police Colonel Glecerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas PPO, at sa pamamagitan ng Provincial Personnel and Human Resource Doctrine and Development.
Ayon kay PCol Cansilao, 30 na kalahok mula sa 4th Maneuver Platoon, Batangas PPO sa pangunguna ni Police Lieutenant Guilbert Asuncion ang nakiisa at sinanay sa Mass Casualty Incident (MCI) System, Rescuer’s Survival Technique, Knot Tying at High Angle Rescue, Basic Life Support, Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR), Boat handling and Life Saving Techniques at Urvan Navigation.
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan sa pamamagitan ng isang demonstrasyon.
Layon ng naturang pagsasanay na madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga tauhan ng PNP na may kaugnayan sa disaster risk reduction lalo na sa pagpaplano, pagtugon at pamamahala ng mga rescue operations.
“Dapat nating isapuso at gawing tama ang training na ito. Sa mga makikinabang ng training, sana maituro din ninyo ito sa iba pa ninyong kasamahan upang madami pa ang matuto batay sa inyong mga natutunan. Time will come it will be your own life you will be saving”, ani PBGen Yarra.
Source: Batangas Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon