Isinagawa at tulong-tulong ang mga miyembro ng San Mateo Municipal Police Station at Field Training Program-On Job Training (FTP-OJT) Class KALASAK LAHI sa ikinasang search and rescue operation para sa mga residenteng apektado ng baha sa iba’t ibang lugar ng San Mateo, Rizal nito lamang Miyerkules, Hulyo 24, 2024.
Pahayag ni Police Lieutenant Colonel Jonathan D Ilay, Chief of Police ng San Mateo Municipal Police Station, ang kanilang nasasakupan ay lubhang apekatdo ng baha kaya agarang ikinasa ang search and rescue operation.
Napag-alaman na ang mga inilikas ay ang mga residente na nasa mababang lugar.
Kailangang lumusong ng pulisya sa mataas na tubig-baha para mailikas ang mga bata at mga residente nang maayos sa evacuation area.

Patuloy naman ang San Mateo PNP sa pagsiguro ng kapakanan at seguridad ng mga residente sa kasagsagan ng bagyong Carina bilang pagtalima sa mantra ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D Marbil: “Dito sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”
Source: San Mateo Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz
Kudos sa ating mga kapulisan, umaraw man o bumagyo ay patuloy parin na naglilingkod sa ating kumunidad. Maraming Salamat po