Inilunsad ang search and rescue operation ng mga tauhan ng PNP Maritime Group at Human Resource Management Unit 3 katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) para sa mga residente na apektado ng baha dulot ng hagupit ng bagyong Carina sa Barangay Poblacion, Bulacan bandang 8:00 ng umaga nito lamang Huwebes, Hulyo 25, 2024.
Pahayag ni Police Brigadier General Jonathan A Cabal, Director ng PNP Maritime Group, ginamit ng naturang grupo ang PNP rubber boat at isang fiber glass upang ilikas ang mga residente na apektado ng tubig-baha.
Napag-alaman na umabot sa 65 na indibidwal at 53 na kabataan ang nailikas sa naturang operasyon at nadala nang ligtas sa evacuation center.
Patuloy ang PNP Maritime Group sa pagsiguro ng kaligtasan, seguridad at kaayusan ng publiko lalo na sa kalagitnaan ng unos na natamasa ng mamamayang Pilipino dulot ng bagyong Carina.
Source: PNP Maritime Group
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz