Surigao del Norte – Nagsagawa ng search and rescue operation at naghatid din ng food supply ang Claver PNP sa mga nasalanta ng malakas na pag-ulan sa iba’t ibang barangay ng Claver, Surigao del Norte nito lamang Lunes, Disyembre 26, 2022.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Major Nira Perocho, Officer-In-Charge ng Claver Municipal Police Station katuwang ang Bureau of Fire Protection at iba’t ibang ahensya ng lokal na gobyerno ng Claver.
Ito ay bilang pagtugon sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at landslide na kung saan inilikas ang mga residente sa evacuation center.
Patuloy naman ang pagtulong ng Claver PNP hanggang sa mapabuti ang kalagayan ng naturang bayan upang maiwasan ang pagkakaroon ng casualties at mapaabot ang agarang tulong sa mga residente.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/ RPCADU13