Bukidnon – Nagsagawa ng School Visitation at Lecture ang mga tauhan ng Don Carlos Municipal Police Station sa Kibatang Elementary School nito lamang Lunes, Enero 16, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Jose Regner Sevilleno, Officer-In-Charge ng Don Carlos Municipal Police Station katuwang si Pastor Conrad Villarina.
Ito ay kaugnay ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan Program at tinalakay sa naturang aktibidad ang Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism at Crime Prevention sa tinatayang 50 estudyante ang nabahagian ng kaalaman.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagpapanatili at pagbabahagi ng kaalaman sa mga mamamayan na makakatulong sa pag-iwas sa kriminalidad tungo sa kaayusan ng bansa.
Panulat ni Patrolman Johmel Tan/RPCADU 10