La Trinidad, Benguet – Nagpamalas ng kasanayan sa Combat Capability ang Special Action Team (SAT) ng Police Regional Office Cordillera sa ginanap na Quarterly Operational Readiness Inspection/Assessment and Performance Audit sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang Nobyembre 3, 2022.
Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan ni Police Major General Felipe Natividad, Acting Commander, Area Police Command – Northern Luzon katuwang si PMGen Oliver Enmodias, Deputy Commander, APC-NL.
Ang Special Action Team (SAT) ay binubuo ng mga mahuhusay na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 15.
Nagpakita ng kasanayan sa Enemy Ambush, High-Risk Stop at High-Risk Arrest ang naturang grupo.
Layunin ng kanilang aktibidad na maipakita ang kasanayan at kahandaan ng PROCOR sa insurhensiya at kapabilidad sa paghahatid ng agarang tulong at aksyon sa komunidad.