Lun Padidu, Malapatan Sarangani (February 24, 2022) – Nagsagawa ang Sarangani Police Provincial Office ng community visitation sa ilalim ng programang “Pulis at Mamamayan Damayan sa Yaman at Kaunlaran” o PADYAK sa kanilang nasasakupan noong Pebrero 24, 2022.
Gamit ang bisikleta, pinangunahan ni PCol Nicomedes Olaivar Jr, Provincial Director ang nasabing aktibidad kasama ang mga Staff Officers, PNCOs, NUPs, mga tauhan ng 1st Sarangani PMFC sa pangunguna ni PLtCol Benjiel Kirby Bajo, Malapatan Municipal Police Station at mga siklista mula sa Malapatan.
Sa programang ito, sila ay namahagi ng face mask, nagsagawa ng information drive patungkol sa batas at usapin ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, EO 70 (ELCAC), RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at RA 11596 o Prohibition of Child Marriage Law, na lahat ay malaking tulong upang mabigyan ng panibagong kaalaman ang bawat residente.
Hinikayat din ni PCol Olaivar Jr. ang mga residente na suportahan ang vaccination program ng gobyerno at ang lahat ng programa ng kapulisan.
###
Panulat ni Patrolman Jerrald R Gallardo
Serbsiyong totoo yan ang mga pulis laging may pagmamahal s tao