Isabela – Nagsagawa ng symposium ang mga tauhan ng Police Station 2 ng Santiago PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Romel Cancejo, sa mga Grade 4, 5 at 6 na mag-aaral ng Ambalatungan Elementary School, Brgy. Ambalatungan, Santiago City, Isabela noong ika-28 ng Marso 2023.
Tinalakay ng kapulisan ang paksa hinggil sa “Safe and Unsafe Touch” kaugnay sa pagdiriwang ng Girl Child Week, Anti-Rape Law ( RA 8353), Anti- Bullying at Trafficking in Person Act of 2003 (RA 9208), Child Abuse Law (RA 7610), Anti-Illegal Drugs, Safe Spaces Act o RA 11313, Anti- terrorism Act bilang suporta sa NTF-ELCAC, at Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).
Ang mga estudyante ay aktibong nakilahok sa Question-and-Answer pagkatapos ng lecture.
Lubos din ang pasasalamat ng mga guro dahil umano’y malaking tulong ang isinasagawang symposium upang magabayan ang mga mag-aaral at mailayo sa kapahamakan.
Layunin ng aktibidad na mapalapit sa puso ng mga mamamayan at sa pamamagitan nito ay mapagtagumpayan ang programang pangkapayapaan na isinusulong ng Pambansang Pulisya.
Source: Police Station 2, Santiago CPO
Panulat ni PSSg Jerlyn