Isabela – Nagsagawa ng lecture sa barangay ang Santiago PNP mula sa Presinto Uno sa pangunguna ni Police Captain Rogelio Soriano na ginanap sa Brgy. Calao West, Santiago City noong ika-16 ng Setyembre 2023.

Tinalakay sa aktibidad ang tungkol sa Crime Prevention Safety Tips para mapalawig pa ang kaalaman ng mga dumalo sa pag-iwas laban sa kriminalidad sa lipunan.
Ipinaliwanag din ang kampanya sa gender-based violence, illegal drugs bilang suporta sa BIDA Program ng the DILG at terorismo bilang suporta sa NTF-ELCAC.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng food packs at bigas sa mga dumalo na ikinagalak nila dahil hindi lamang umano bagong kaalaman ang kanilang natanggap kundi tulong din na makakatulong sa kanilang pamilya.

Kaya naman nagpapasalamat sila sa kapulisan dahil nararamdaman nila ang malasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng serbisyo mula sa kapulisan.
Layunin ng aktibidad na maitaas ang kaalaman ng mamamayan hinggil sa mga tinalakay na paksa at mapaigting ang pagkakaisa ng kapulisan at mamamayan para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
Source: Presinto Uno, SCPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos