Buong giliw na nag-carolling ang mga “Santa Pulis” ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Paquibato sa pangunguna ni Deputy Regional Director for Administration, PCol Edgar Alan O Okubo sa mga kabahayan kasabay ng pamamahagi ng pamasko sa Sitio Panimbay, Barangay Paquibato Proper, Davao City noong November 26, 2021.
Nasa 49 na kabahayan ng katutubong Ata ang kanilang nahandugan ng kanta at nabahaginan ng pamaskong food packs at hygiene kits. Sila ay namahagi rin ng 40 packs ng school supplies at 20 loot bags na naglalaman ng sari-saring candies at biscuits para sa mga bata sa nasabing lugar.
Layunin nito na magpalaganap ng pag-asa, kapayapaan, saya at pagmamahalan sa panahon ng Pasko at upang gunitain ang tunay na diwa ng selebrasyon, ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus sa gitna ng pandemya sa tulong ng RMFB11 R-PSB Teams sa pamamagitan ng house-to-house carolling at pagbibigay ng regalo sa mga pamilya sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) lalo na para sa mga Indigenous People.
Sa nasabing aktibidad ay nadama ng mga kapatid nating katutubong Ata ang diwa ng kapaskuhan dahil sa maagang pamaskong handog ng RMFB 11 R-PSB Teams na kanila namang ipinagpapasalamat ng lubos. Patuloy naman ang grupo sa pagbibigay tulong sa ating mga kababayan sa GIDAs.
Source: RMFB 11 R-PSB
####
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera
Salamat po mga Mam at Sir. Mabuhay po kayo
Maagang pamasko salamat sa mga kapulisan
good job pnp
Serve and protect
Sa diwa Ng pasko