Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng San Carlos City Police Station sa Barangay Palampas Covered Court, San Carlos City, Negros Occidental nitong ika-11 ng Nobyembre 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Police Community Relations Team at Women and Children Protection Desk ng San Carlos City PNP kasama ang Pulis Nyo Po sa Barangay katuwang ang mga Stakeholders, Kabataan Kontra Droga at Terorismo at iba pang Advisory Support Groups sa nasabing lugar.
Naging benepisyaryo ng ginanap na outreach program ang mga Senior Citizens at Day Care Center ng Brgy. Palampas na kung saan sila ay napamahagian ng mga iba’t ibang essential goods tulad bigas, de-lata, noodles, biscuits, candies at mga chocolates.
Kasabay din nito ang mga serye ng pagbibigay ng kaalaman tungkol Crime Prevention gaya ng RA 9262 at 7610 (mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata), Drug Clearing Program, CSOP, Anti-Bullying Act 2013 (RA 10627), KKDAT, at COVID-19 Health Advisory.
Layunin ng aktibidad na maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng komunidad sa pamamagitan ng Police Community Partnership, paghahatid ng mga basic at social services, kung paano bigyan ng kapangyarihan ang kanilang mga karapatan bilang mga bata at kung paano protektahan ang kanilang sarili mula sa mga pang-aabuso pati na rin ang pagsasamantala.
Ito rin ay kaugnay sa 30th National Children’s Month Celebration with the theme, “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!” at alinsunod sa Peace and Security Framework ng ating CPNP, PGen Rodolfo S Azurin Jr, na tinawag na “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” o MKK=K at Revitalized PNP KASIMBAYANAN (KApulisan, SIMBAhan, at PamaYANAN).