Catanduanes – Nakiisa ang San Andres PNP sa isinagawang 4th Quarter Coastal Clean-up Drive na ginanap sa baybayin ng Barangay Comagaycay, San Andres, Catanduanes nito lamang Nobyembre 10, 2023.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng LGU San Andres, Catanduanes na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine Army, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection.
Layunin ng isinagawang aktibidad na mapanatiling malinis ang mga baybayin upang patuloy na mapangalagaan ang kalinisan at maprotektahan ang mga yamang dagat na nagbibigay ng karagdagang ikinabubuhay sa mga residente sa lugar.
Patuloy na magkakaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang alagaan at protektahan ang mga dalampasigan na mapanatili ang kagandahan ng ating likas na yaman.
Source: San Andres MPS Catppo