Davao de Oro (January 14, 2022) – Pinagtulungang gibain ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 1&2 ng Davao de Oro sa pamumuno nina PLt Tessie Tanilon at PLt Edith Solidum kasama ang mga residente ng Sitio Cambudlot Purok 6, Compostela, Davao de Oro ang Salugpungan Ta’tanu Igkanogon Community Learning Center ng mga National People’s Army (NPA) sa nasabing lugar noong Enero 14, 2022.
Ang matagumpay na pagsira nito, sa pamamagitan ng bayanihan ay dahil na rin sa inisiyatibo at pagsisikap ng R-PSB Team Cluster 1&2 sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Governor Office sa pamumuno ni Jayvee Tyron Uy, Provincial Governor of Province of Davao De Oro at Joel Balili, Punong Brgy ng nabanggit na lugar.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni PLtCol Pablito Odias, Deputy Provincial Director for Operation ng Davao de Oro PNP, Media personalities, Brgy officials, functionaries at residente ng nasabing lugar.
Bukod dito, aprubado na rin ang panukalang proyekto na pinasimulan ng R-PSB Cluster 1&2, kung saan itatayo ang isang (1) gusali ng paaralan na may dalawang (2) silid-aralan na malapit nang simulan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong muling buoin ang tiwala ng mga tao lalo na ang mga IP’s sa pamahalaan at ilayo sila sa ilalim ng impluwensiya at panloloko ng mga teroristang grupo upang matigil na ang insurhensiya at tapusin na ang presensiya ng CPP-NPA-NDF, para sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad ng mga proyektong pangkabuhayan sa kanilang komunidad.
####
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera
Salamat sa mga Alagad Ng Batas