Arestado ng mga operatiba ng Sasa Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest ang isang Most Wanted Person nito lamang Setyembre 24, 2024 sa Km. 9, Paradise Road, Barangay Sasa, Davao City.
Ayon kay Police Major Marcille M Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Ruskeis”, 35 anyos, isang salesman at residente ng Marsman Compound, Sto. Tomas, Davao del Norte.
Mahaharap sa kasong Qualified Theft ang nasabing suspek.
Alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas, patuloy na nagsusumikap ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 upang hulihin ang lahat ng wanted person sa rehiyon onse upang maisailalim ang mga ito sa legal na proseso.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino