Sunday, November 24, 2024

Salamat po Inay!

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Purihin ang Panginoong Diyos sa Kanyang patuloy na gabay at patnubay sa ating lahat. Bawat sandali sa ating buhay ay isang pagpapala sa ating buhay. Sa ating paggising kasama ang ating pamilya, mayroong trabahong ginagampanan, at nakakakain ng higit na tatlong beses araw. Salamat sa Panginoong Diyos!

Itong buwan ng Mayo ay ating ginugunita ang “Araw ng mga Ina”. Sa natatanging araw na ito, ating binibigyang halaga ang mga nanay na nagmahal at nag-aruga sa atin mula sa pagkabata at hanggang sa mayroon ng pamilya at nandiyan pa rin si nanay na kumakalinga at nag-aasikaso sa atin. Ang munting tuli na ito ay alay ko sa mga “Ina ng tahanan”, bilang pagsaludo ay paggalang sa kanilang ginawa para sa kanilang mga anak.

“INAY”

Inalagaan kami mula sa pagkabata

Hanggang ngayon ay kumakalinga

Kahit ngayon mayroon ng pamilya

Nariyan ka at sa ami`y nag-aalala

Nag-aasikasiso sa gawaing bahay

Ang iyong paggawa`y walang humpay

Paghihirap mo ay hindi alinatana

Makita niya lamangna kami`y msaya

Ang mga payo mo`y aming inspirasyon

Kalakasan at gabay naming sa buhay

Aming naranasan pag-ibig mong tunay

Mananatili sa puso habang panahon

Yaman kabng maituturing aming inay

Salamat po kami`y iyong binuhay

Pagmamahal sa iyo`y aming iaalay

Ipapadama sa iyo habang buhay.

Napaka-inam po na habang nabubuhay ang ating nanay ay ating maipadama ang ating pagmamahal sa kanila. Ang kanilang pagmamahal at sakripisyo ay hindi natin kayang bayaran. Hindi naman kailangan ang mamahaling regalo. Ang pagbati sabay ang mahigpit na pagyakap sa kanila at pagsabi na, “Nanay mahal na mahal ka namin ay magbibigay ito ng kagalakan sa kanilang puso. Samantalahin natin ang pakakataon habang sila ay nabubuhay, habang naririnig pa nila ang ating mga tinig, at habang may pagkakataon tayong ipadama ito sa kanila. Bago man sila pumanaw baon nila sa kanilang puso ang pagmamahal at masayang ala-ala na kanilang naranasan. Sa kanilang puso at isipan ay ikinarangal nila na sila ay naging mabuting ina.

Ikaw, ako at tayong lahat ay isang patototoo, na tayo ay hinubog at ginabayan ng ating ina upang maging isang mabuti at responsableng anak. Tinuruan tayo ayon sa aral at tuntunin ng “Banal na Kasulatan.”

Ako po ay saludo sa mga “Nanay ng Pulis,” dalangin ko sa Panginoong Diyos na ibayong kalakasan ay mula sa Kanya ang inyo pong maranasan!       

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles