Cagayan de Oro City (February 17, 2022) – Nagsagawa ng Salaam Community Outreach Program ang Cagayan de Oro City Police Office sa pamumuno ni PCol Aaron Mandia, Acting City Director para sa isang Muslim community sa Purok 11 Baloy, Brgy. Tablon, Cagayan de Oro City, noong Pebrero 17, 2022.
Ito ay dinaluhan ni PMaj Naome Caudilla, Women and Children Protection Desk, COCPO; Imam Abdul Rakim Arig at mga kapulisan ng Cagayan de Oro City.
Ang programa ay sinimulan sa pagdarasal para sa pagpapala ni Allah na pinangunahan ni Pat Abdulhalim Pandapatan, Salaam PNCO, Police Station 9 na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit na pinangunahan ni PCpl Emy Ann Entapa, Salaam PNCO, Police Station 7.
Ang mga kapatid nating mga muslim sa Cagayan de Oro ay binigyan din ng sapat na kaalaman tungkol sa mga batas ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na maaari nilang magamit kung sila man ay makararanas ng pang-aabuso.
Nais ng ating mga kapulisan na mas mapalawig pa ang kaalaman ng publiko sa mga umiiral na batas, upang maproteksyonan ang mga indibidwal na saklaw ng mga batas na ito. Lubos naman ang kagalakan ng mga magulang lalo na ang mga kabataan dahil sa ginawang aktibidad ng ating mga kapulisan sa kanilang lugar.
####
Panulat ni Patrolman Nicole Villanueva