Camp Crame, Quezon City (January 4, 2022) – Maluwalhating tinanggap ni Police Colonel Rogelio Simon, ang Deputy Director for Operation, Police Community Affairs and Development Group ang iba’t ibang donasyon galing sa Chinese Filipino Business Club, Inc. na pinangunahan nina Mr. Alejandro Co, President; Mr. Stephen Sia, Executive Vice President; Mr. Samuel Uy; Paul Yeung; Willy Chuakimtong, Vice Presidents ; at Mr. Peter Allan Chua, Plenary Director bandang alas 3:31 ng hapon nitong January 4, 2022.
Sa kaparehong araw din ay nagdonate ang Puno Sagip Buhay Group, na pinangunahan naman nina Mr. Patrick D Roquel, Founder (Puno Sagip Buhay), President, GH Nutripharma Inc.; Dr Elinor Roquel, Vice President, GH Nutripharma Inc; at Founding Director (BinhiBiofarm) Biofarm and Natural Health Ingredients Co. at si Ms Josie Redoblado, Officer-in-Charge, Puno Sagip Buhay.
Tinatayang nasa 200 na sako ng bigas ang ibinigay ng Chinese Filipino Business Club at nasa 30 na sako naman ng bigas, 150 cans ng Rebisco Biscuits, 14 packs ng peanut butter at iba pang mga essentials gaya ng 10 cases na Citronella Andas Spray for dengue, 144 boxes ng Happycha Lagundi dried leaves, Assorted Grocery items, 100 pcs t-shirts para naman sa mga Senior Citizen, assorted clothes, 2 crates of Nail/Pako at 5 pcs na bagong martilyo mula naman sa Puno Sagip Buhay Group.
Ang mga donasyon na nagmula sa Puno Sagip Buhay ay nakalaan at mapupunta sa mga residente ng Limasawa Island sa Visayas na sobra ding nasalanta ni Odette. Samantala, ang mga donasyon naman na nanggaling sa Chinese Filipino Business Club, Inc. ay mapupunta sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao na nakaranas din ng hagupit ng nasabing bagyo.
Tiniyak naman ng ating mga kapulisan na maihahatid ito sa mga residente ng mas nangangailangan sa pinakamadaling panahon.
#####
Panulat ni: Patrolman Kher Bargamento
Maraming salamat sa mga donasyon para sa ating mga kababayang nangangailan. Mabuhay!
Thank you PNP?
Salamat malaking tulong sa atin mga kababayan.godbless din sa PNP