Nakiisa ang mga tauhan ng Sagada Municipal Police Station sa “Panag-aapoy” sa The Church of Saint Mary’s the Virgin Cemetery sa Poblacion, Sagada, Mountain Province nito lamang ika-1 ng Nobyembre 2024.
Ang “Panag-aapoy” o pagsisindi ng apoy ay ginagawa taon-taon ng mga residente ng Sagada, kung saan nagsisindi ng “saleng” o fatwood ang mga residente sa halip na kandila malapit sa mga puntod bilang pag-alala sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Samantala, nagbigay naman ang Sagada PNP ng seguridad katuwang ang mga tauhan ng Philippine Red Cross at Bureau of Fire Protection upang masiguro ang ligtas na paggunita ng Araw ng Kaluluwa.
Layunin ng Sagada PNP ang maayos na seguridad, at tahimik na Undas 2024 dahil sa Bagong Pilipinas ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!