Nueva Ecija (January 2, 2022) – Isang matagumpay na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang naisagawa ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), kung saan nahuli ang isang (1) wanted person, dalawang (2) suspek sa paglabag sa batas PD 705 at pagkasamsam ng mga ilegal na pinutol na kahoy na nagkakahalaga ng higit Php600,000 noong Linggo, Enero 2, 2022.
Ayon kay PCol Rhoderick Campo, Provincial Director, naaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Carranglan Municipal Police Station, NEPPO sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Darwin Mislang, Officer-in-Charge, ang isang (1) wanted person sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong rape na walang kaukulang piyansa.
Bukod dito, nagsagawa din ng checkpoint ang pinagsanib puwersa ng Carranglan MPS, DENR-CENRO Muñoz City, 2nd PMFC NEPPO, DENR Nueva Vizcaya at Santa Fe Police Station, Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa National Highway, Brgy. Joson, Carranglan, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkahuli sa naturang checkpoint ang dalawang suspek na lalaki at nakumpiska sa kanilang pag-aari ang iba’t ibang laki ng ilegal na pinutol na kahoy na tinatayang nagkakahalaga ng Php611,712.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa PD 705 (Revised Forestry Code).
Sinigurado naman ni PCol Campo na patuloy na magsasagawa ng operasyon laban sa kriminalidad at ilegal na droga sa probinsiya ng Nueva Ecija. Ito ay bilang tugon sa derektiba ni PBGen Matthew Baccay, Regional Director ng Police Regional Office 3 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Gitnang Luzon.
#####
Panulat ni Pat. Hazel Rose B Bacarisa
Good Job Team PNP
Salamat