Matagumpay na nailunsad ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang sabayang “KASIMBAYANAN” SAFE NLE 2022 o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan” Secure, Accurate Free/Fair National and Local Elections 2022 sa apat nitong himpilan ng pulisya: ang Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan, sa ganap na alas-singko ng umaga ng Pebrero 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Brigadier General Orlando Yebra, Jr., District Director ng EPD at dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Lumahok din dito ang iba’t ibang Advocacy Support Groups at Religious Sectors tulad ng Katoliko, Islam, Protestant, Evangelical at iba pa.
Nagkaroon din ng simbolikong Candle Lighting na taimtim na sinalihan ng lahat ng dumalo sa nasabing okasyon na sinundan ng Ceremonial Pinning ng Safety Election 2022 Pin at ang makahulugang Manifesto Signing.
Sa pagtatapos ng programa, ang mga kalahok ay sabayang nagpalipad ng mga kalapati bilang simbolo ng kapayapaan.
Layunin ng programang ito na suportahan ang Commission on Elections (COMELEC) upang magkaroon ng Secure, Accurate, Fair/Free Elections 2022 sa darating na halalan.
Makakaasa ang mamamayang Pilipino na ang ating Pambansang Pulisya ay handang magsilbi upang magkaroon ng malinis at mapayapang halalan.
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos